Ipinatalastas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ika-4 na lebel na alerto, pagkaraang nagsimula kahapon ng hapon, Linggo, ika-12 ng Enero 2020, ang malakas na paggalaw ng lara at gaas, at pagbuga ng malaking bolyum ng abo ng Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, ang pagsabog ng bulkan ay posibleng maganap sa loob ng darating na ilang oras hanggang ilang araw.
Ayon naman sa National Risk Reduction and Management Council, sinimulang ilikas ang halos 10 libong residente sa tatlong bayang pinakamalapit sa Bulkang Taal.
Sa kasalukuyan, kumalat na sa Manila ang abo ng bulkan, at nagdulot ito ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga lokal na residente.
Ayon naman sa Manila International Airport Authorities, dahil sa epektong dulot ng abo, suspendido na ang paglipad at paglapag ng lahat ng mga eroplano sa paliparan, na kinabibilangan ng marami sa pagitan ng Manila at iba't ibang destinasyon sa Tsina.
Salin: Liu Kai