Sinabi nitong Miyerkules, Enero 22, 2020 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang humpay na pinag-iibayo ng bansa ang pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR).
Isiniwalat niyang sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng bnasa ang mga gawaing may kinalaman sa pagsapi sa Hague Agreement Concerning the International Registration of Industrial Design.
Samantala, inilathala ng Financial Times, na walang humpay na pinag-iibayo ng Tsina ang pananaliksik at pagdedebelop; pinangungunahan ang aplikasyon ng patente sa buong mundo; at pumapangatlo sa bilang ng mga valid patent holding.
Dagdag ni Geng, ayon sa Global Innovation Index (GII) report sa taong 2019, nasa ika-14 na puwesto sa daigdig ang Tsina, at tumaas ang puwesto nito noong nagdaang 4 na taong singkad.
Ayon naman sa Global Business Report 2020 na inilabas ng World Bank, tumaas sa ika-31 puwesto ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina sa 2019. Ito ay mula sa ika-78 puwesto noong 2017.
Salin: Vera