Pamamaril sa Thailand, 22 patay at 42 nasugatan

(GMT+08:00) 2020-02-09 15:52:55       CRI2020-02-09 15:52:56

Naganap kahapon, Sabado, ika-8 ng Pebrero 2020, sa lalawigang Nakhon Ratchasima sa hilagang silangan ng Thailand, ang madugong pamamaril, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 22 katao, at ikinasugat ng 42 iba pa. Pinatay kaninang madaling araw ng mga armadong pulis ang gunman, pagkaraan ng 18 oras na komprantasyon.

Ayon sa Thai media, ang maykagagawan ay sundalo sa isang base militar sa naturang lalawigan. Ninakaw niya ang mga sandata at munisyon, at pinatay ang kanyang opisyal at dalawang kasama. Pagkatapos, tumakas siya sa isang shopping mall, at dinakip ang ilang hostage roon, para makipagkompranta sa panig pulisya.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi alam ang motibo niya.

Salin: Liu Kai