Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

(GMT+08:00) 2020-07-02 18:03:16       CRI2020-07-02 18:03:17

Humuhupa na ang epidemya ng COVID-19 sa maraming lungsod ng Tsina. Sa Shanghai, financial hub ng bansa, bumabangon na ang ekonomiya. Tanggap na ng mga taga-Shanghai ang bagong kagawian ng pamumuhay. Ang mga negosyo, muli na ring nagbukas.

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Ang Spicco Ristorante Pizzeria, ay Italian bar at restaurant na may dalawang branches sa Songjiang at Hongqiao Hub ng Shanghai.

Noong kasagsagan ng epidemiya ng COVID-19, napilitang magsara ang maraming negosyo sa Shanghai. Naapektuhan din ang Spicco. Kwento ni Erwin Banayo, Barista na isang taong nang nagtatrabaho sa Spicco, halos 3 buwan ding sarado ang kanilang restoran. Pero ngayon unti-unti, at step by step ang proseso ng kanilang pagbabalik-operasyon. Mas maluwag na ang restriksyon sa mga komunidad, madali na ang transportasyong pampubliko, saad ni Erwin kaya maayos na nakakarating ang mga customer sa restoran.

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Dagdag pa ni Erwin,"Paunti-unti naibabalik na ulit ang dating masiglang event. Ang (Philippine) Independence Day (gathering) here at Spicco, halos ilang table lang ang reservations. Pero nagulat kami sa sobrang daming nagwalk-in, as in full house ang venue."

2018 nang ipakilala ang Spicco Pinasayang Sabado. Salu-salo ng mga Pinoy na tampok ang maraming putaheng Pilipino.

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Sina Erwin Banayos at Chef Chad (kaliwa at kanan sa harapan) kasama  ang The Friday Club (Tagay Group) na nag-oorganize ng events sa Spicco gaya ng Bingo

Si Erwin ay siya ring Administrator ng WeChat chatgroup ng SPICCO Pinasayang Sabado. Ang chatgroup na may higit 100 miyembro ay plataporma para sa promosyon ng events at pagbebenta ng pagkaing gawa ng mga Pinoy.

Ayon kay Erwin, sa Spicco nagpupunta kapag nangungulila o may craving sa pagkaing Pinoy tulad ng lechon kawali, sisig, dinuguan o crispy pata. Dagdag niya, ito rin ang place to be kung gustong makipag-bonding sa mga kababayan, maglaro ng Bingo o magde-stress sa pamamagitan ng karaoke.

Mahalaga ring ibahagi na ang SPICCO Pinasayang Sabado ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga "guest chef" para magpakitang gilas sa paghahanda ng mga Pinoy favorites. Higit sa lahat, sila'y nagkakaroon ng dagdag na kita.

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Crispy Pata at sawsawang suka-toyo at atsara

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Halo-Halo

Best seller sa mga event ang halo-halo at crispy pork sisig. At sabi pa ni Erwin, si Chef Richard "Chad" Ponce ang star chef ng Spicco Pinasayang Sabado.

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

Shanghai, balik normal; Spicco, balik negosyo

 Pinoy foodies na laging sumusuporta sa mga events ng Spicco Pinasayang Sabado

Sa darating na Sabado, Hulyo 4, 2020, ganap na alas-2 ng hapon muling gaganapin ang Spicco Pinasayang Sabado sa Minhang Hongqiao Hub branch. Syempre, para sa kaligtasan, kailangang ipakita ang green health code at sumailalim sa temperature check bago makapasok sa resto. At malugod na pagsisilbihan ni Erwin, kanyang mga kasamahan at ng guest chef sa araw na iyon, ang lahat ng mga nais makatikim ng masarap na lutuing Pinoy.

Panayam/Artikulo: Mac Ramos

Photos courtesy: Erwin Banayos