Tsina, buo ang kompiyansa sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa Pilipinas sa kabila ng hamon ng pandemiya

(GMT+08:00) 2020-07-21 17:14:30       CRI2020-07-21 17:14:31

Ipinahayag kamakailan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na buo ang kompiyansa ng Tsina sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan nito sa Pilipinas sa gitna ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag pa ni Huang, na maayos na nagbalik-trabaho ang lahat ng nakakontratang proyektong Sino-Pilipino at umabot na sa 80% ang buong production capacity.

Dagdag pa ni Huang, ayon sa estatistika ng panig Tsino, nitong nakalipas na 5 buwan ng taong ito, lumaki nang 82.5% ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas.

Upang manatili ang momentum at mapasigla pa ang kalakalan at pamumuhuan ng dalawang bansa, pinag-uusapan ngayon ani Huang ng dalawang bansa ang pagtatatag ng "fast track" para sa pagdadalawan ng mga Tsino at Pilipino, at isang "green corridor" para sa daloy ng mga paninda.

Sinabi ni Huang na kinakaharap pa ng Tsina ang hamon ng COVID-19 na patuloy na kumakalat sa buong daigdig, pero, nagsisikap ang bansa para hanapin ang balanse sa pagitan ng pagkontrol ng epidemiya at pag-unlad ng ekonomiya, at makikita ang ilang magandang sinyales.

Halimbawa, noong ika-16 ng Hulyo, ayon sa datos na isinapubliko ng Pambansang Komisyon ng Estatistika, umabot sa 3.2% ang GDP ng Tsina nitong ika-2 kuwarter ng taong 2020 kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon na naging kauna-unahang pangunahing ekonomya na may paglaki ng kabuhayan sa gitna ng epidemiya. At tinatayang ibayo pang mapapanumbalik ang kabuhayang Tsino sa susunod na kalahating taon na maging puwersang magsusulong ng kabuhayan ng buong daigdig.

Ulat: Sissi
Pulido: Mac / Jade