Isandaan at limampung (150) set ng high-flow humidifier ang ibinigay Miyerkules Oktubre 21, 2020, ng Embahadang Tsino sa pamahalaan ng Pilipinas para tulungan ang mga nahawahan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), lalo na ang mga nasa kritikal na kondisyon.
Ayon kay Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang naturang mga kagamitan ay nagpapakita ng matibay na pagkakapit-bisig ng Tsina at Pilipinas sa magkasamang paglaban sa pandemiya ng COVID-19. Umaasa si Huang na ang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay makakatulong sa muling pagsigla ng kabuhayang Pilipino at magpapanumbalik sa normal na kaayusan ng lipunan at komersyo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinasalamatan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang tuluy-tuloy na pagtulong at pagsuporta ng panig Tsino sa pagpuksa ng Pilipinas sa COVID-19. Hanga aniya siya sa natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, at naniniwala siya, na ang mga ito ay magdudulot ng mga pagkakataon para sa pagbangon ng kabuhayan ng Pilipinas.Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas