Sa karamihan ng mga pribadong tindahan sa Tsina, maari kayong tumawad kung namimili. Itinuturing ito ng iba na isang masayang bahagi ng pamimili, pero may ilang teknik dito. Narito ang ilang tip para sa inyo. Una, huwag ninyong ipapahalata sa nagtitinda na talagang gustung-gusto ninyong bilhin ang produkto. Magkunwari kayong naglilibot-libot lang at tinitingnan ang mga presyo. Pagkaraang maipagkumpa-kumpara ang mga presyo, malalaman ninyo kung gaano kababa ang inyong magiging tawad. Pangalawa, makakatulong sa inyong mapababa pa ang presyo kung matatawag mo ang atensiyon ng nagtitinda sa mga depekto ng produkto. Walang perpekto. Kung gagamiting panghimok ng nagtitinda ang magagandang bagay tungkol sa produkto, ituro niyo naman sa kaniya ang mga kakulangan ng produkto. Maliwanag na ang mga nabanggit sa itaas ay ankop lamang sa mga pribadong tindahan. Sa mga istandard na tindahan at supermarket ang mga produkto ay ipinagbibili sa presyong hindi na matatawaran. Huwag kayong tatawad sa mga lugar na ito na gaya rin naman ng sa ibang bansang kanluranin.

