leçon 50 Pagbabayad sa Pagpapagamot

 Makipag-usap sa CRI
 

Ang mga Tsino ay may maraming paraan para maagang iwasan ang sakit. Halimbawa, para maiwasan ang pana-panahong sakit na gaya ng panghahapdi at pamumula ng mata, sakit ng gilagid at sakit ng ngipin, umiinom sila ng sabaw ng peras at chrysanthemum o honeysuckle tea sa panahon ng taglagas at tagsibol. Naniniwala sila na ang mahabang oras sa loob ng silid na may air-con o pag-inom ng mga inuming may yelo ay nauuwi sa pagkakasipon o pagkakadiyarya. 着凉 ang tawag ng mga Tsino sa mga sintomas na ito ng sipon. Sa panahon ng biglaang pagbabago ng temperatura, sinisiguro ng mga magulang na Tsino na umiinom ang kanilang anak ng mainit na tubig, kumakain ng mainit na pagkain, nagkukumot ng quilt at lumalayo sa malakas na ihip ng hangin.