Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hangzhou, Paraiso sa Lupa

(GMT+08:00) 2016-10-31 11:00:17       CRI

 

Ang Hangzhou ay isa sa mga pinakakilalang lunsod na panturista ng Tsina. May isang kasabihang Tsino, "Kung sa langit ay may paraiso, sa lupa ay may Suzhou at Hangzhou." Ito ay buong husay na naglalarawan sa ganda ng lunsod Suzhou at Hangzhou. Noong sinaunang panahon, ang kapuwa lunsod ay malaki at masagana, pero, ang Hangzhou ngayon ay mas malaki, at nagiging isa sa mga sentro ng negosyo, pinansya at kultura ng Tsina. Noong Setyembre, idinaos dito ang G20 Summit.

Ang Hangzhou, punong lunsod ng Lalawigang Zhejiang ng Tsina, ay matatagpuan sa masaganang rehiyon sa Yangtze River Delta, at ito ay ika-2 pinakamalaking lunsod na pangkabuhayan sa Yangtze River delta. Mahigit 2,200 taon na ang kasaysayan ng Hangzhou at ito ay isa rin sa 8 kilalang matatandang kapital ng Tsina. Sa kanyang pagbisita sa Hangzhou noong ika-13 siglo, sinabi ni Marco Polo, kilalang Italian traveler, na "finest and noblest sa mundo."

Ang Hangzhou ay sagana sa bundok at tubig. Sa Hangzhou, mayroon dalawang bantog na matulaing purok sa antas ng estado: Lawa ng Xihu, at "dalawang ilog at isang lawa" na kinabibilangan ng Fuchun River, Xin'an River at Qiandao Lake. Mayroon din itong dalawang pambansang natural reserve zones: natural reserve zone ng Tianmu Mountain at Qingliang Peak. Bukod pa riyan, makikita rin dito ang 6 na pambansang parkeng gubat--Qiandao Lake, Bundok ng Daqi, Bundok ng Wuchao, Ilog ng Fuchun, Qingshan Lake at pambansang parke ng Yaolin. Ang unang national wetland park ng bansa: Xixi national wetland park ay nasa Hangzhou rin.

Narito ang isang tula hinggil sa magandang tanawin ng Hangzhou—— "Ripping water shimmering on sunny day, Misty mountains shrouded the rain; Plain or gaily decked out like Xizi; West Lake is always alluring."

Ang narinig ninyo ay tula na kinatha ni Su Dongpo, kilalang makatang Tsino noong Song Dynasty. Sa tulang ito, inihambing niya ang West Lake kay Binibining Xizi, pinakamagandang babae sa Tsina noong sinaunang panahon. At ang West Lake dito ay tumutukoy sa isang lawa sa kanlurang kalunsuran ng Hangzhou. Halos 5.6 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng lawang ito at nahahati sa dalawang causeways--Su Causeway at Bai Causeway.

Ang naturang dalawang causeways ay pinangalanang "Su" at "Bai" bilang paggunita kina Su Dongpo, at Bai Juyi,dalawang makata noong Tang Dynasty. Kapuwa sila nanungkulan minsan bilang opisyal ng Hangzhou at nag-contribute sa lokalidad.

Kapag napag-uusapan ang West Lake, dapat ding mabanggit ang Tsaang Longjing o Dragon Well Tea. Ang Longjing ay hindi lamang pangalan ng ganitong uri ng tsaa, kundi pangalan din ng lugar sa West Lake na nagpoprodyus ng ganitong tsaa at pangalan ng isang bukal. May apat na katangian ang Tsaang Longjing, at ang mga ito ay luntiang kulay, mabangong amoy, matamis na lasa at maganda sa paningin.

Katulad ng mga tourist spots ng Hangzhou, ganun din karami ang masasarap na pagkain sa Hangzhou. At isa sa mga katangi-tanging pagkain dito ay may kinalaman sa nabanggit natin kanina na Tsaang Longjing o Dragon Well Tea. Ito ay ang Longjing Shrimp Meat.

Ang mga putahe ng Hangzhou ay bahagi ng Zhejiang Cuisine, isa sa 8 pinakabantog na cuisines ng Tsina. Nagtamo ito ng reputasyon dahil sa pagiging sariwa, malutong at malambot ng mga putaheng masarap sa pang-amoy.

Sa mga ito, pinaka-espesyal ang Longjing Shrimp Meat, dahil ginagamit ang tsaa bilang sangkap. Ang mga pangunahing sangkap ng putaheng ito ay buntot ng hipon na inalisan ng balat at Tsaang Longjing. Sa pagluluto, lagyan ng asin, vetsin, egg white at dried cornstach ang shrimp meat at haluing mabuti para sa seasoning. Lagyan ng Longjing tsaa ang kumukulong tubig. Pagkaraan ng ilang minuto, itapon ang ibang tea water at magiwan lamang ng kaunting bolyum ng tubig at tea leaves. Igisa ang shrimp meat sa mantika hanggang halos maluto, ibuhos ang magkakahalong tubig at tea leaves at shaoxing wine at pagkatapos, igisa pa ng mga 10 segundo. Isalin sa plato at isilbi. Maganda ang kulay ng putaheng ito na may kaputian ng shrimp meat at kaberdehan ng tea leaves. Masarap din ito kasama ng bango ng tsaa.

 

May Kinalamang Babasahin
SPT
v Kaifeng, matandang punong lunsod ng Tsina 2016-08-18 16:38:51
v Dunhuang at Mogao Grottoes 2016-05-26 15:57:23
v Xi'an—Tahanan ng terra cotta warriors 2015-06-26 11:21:11
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>