Inilabas ng Tsina at Pilipinas sa Maynila, Nobyembre 21 ang Magkasanib na Pahayag sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas. Sumang-ayon ang dalawang bansa na itatag ang komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan.