Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
v Gabi ng Musika ika-17 2012 2012-04-25

May hatid na magandang balita si Josie ng Tecson, Sta. Cruz, Manila. Sabi niya sa kanyang e-mail: "Kuya Ramon, may magandang balita. Susubukin daw ang hybrid rice ng China. 40 bagung-bagong Chinese hybrid rice variety ang planong itanim sa isang demonstration farm dito sa atin para raw dumami pa ang bilang ng uri ng palay na maaring gamitin ng ating mga magsasaka. Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology kung saan pipili sila ng 10 bagong variety ng palay para sa national cooperative testing. Ang mga mapipiling uri ay sasailalim sa mga adaptability trial sa 15 lalawigan. Ang pagdedebelop at commercialization ng mga uri ng hybrid rice ay isa sa tatlong component projects ng ikalawang bahagi ng bilateral agreement ng Pilipinas at China na isinagawa noong 2003 hanggang 2008. Ang ikalawang bahagi ay nagsimula last year at magtatapos sa 2016.

 

v Gabi ng Musika ika-16 2012 2012-04-19

May padalang postcard si Eloisa ng Finland. Sabi niya sa kanyang short note, lagi raw silang kumakain ng Chinese dumpling. Available na raw ito sa Asian market sa kanilang lugar sa Finland. Tapos, tinatanong niya kung araw-araw daw ay kumakain ng dumpling ang mga Chinese.

Salamat sa postcard, Eloisa.

Puwede rin naman nilang kainin iyang dumpling (o jiaozi sa Chinese) anytime of the day o any day of the week dahil makakabili o makakagawa naman sila niyan kung kailan nila gusto. Pero iyan ay espesyal na pagkain ng mga Chinese kung Chinese Lunar New Year. Kung hindi nawawala sa hapag-kainan natin ang Spaghetti, Letse Plan, Macaroni Salad, pan-Amerikano, keso at hamon, etc. kung Pasko at Bagong Taon, hindi rin nawawala sa hapag-kainan nila ang Jiaozi kung Chinese New Year.

 

v Gabi ng Musika ika-15 2012 2012-04-11

Ano ang ginawa ninyo nitong mga nagdaang araw? Nag-istasyon ba kayo? Nagbisita Iglesia? Nangumpisal? Nag-ayuno? Nag-meditate? Sa anumang paraan ninyo ipinagdiwang ang Mahal na Araw, sana naisabuhay ninyo ang tunay na diwa nito.

Salamat sa mga nagpadala ng Easter messages. Salamat, Poska ng poskadot610@hotmail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; Sylvia ng angelsylvia@atlantic.net; Aileen ng perfidia909@yahoo.com; Kate ng red_ford@yahoo.com; at Leck ng bigbenbolt_co@hotmail.com.

 

v Gabi ng Musika ika-14 2012 2012-04-05

Ngayon ay April 1, Palm Sunday, very special day para sa ating mga Pilipino. Ito ang pagsisimula ng Mahal na Araw. Nakinig ba kayo ng misa kanina? Dapat lang. Kami man dito sa Beijing ay nagmisa rin. Meron din kaming palaspas hindi nga lang katulad ng sa atin diyan. Tangkay ng halamang may maliliit na dahon ang ginamit. Pero, okey lang. Sana masamantala natin ang Holy Week para sa ating spiritual upliftment. Magawa sana nating i-relate ang ating quote "everyday cross" sa krus na pinasan ni Christ sa Calvary. Sana matutuhan nating tanggapin ang ating mga kasalanan. Sana maging mabunga ang ating Semana Santa...

 

v Gabi ng Musika ika-13 2012 2012-03-28

Nagtatanong si Evelyn Raganit ng Denmark kung bakit daw iyong mga nakatatanda ay gumagamit ng "po" at "opo" sa mga nakababata sa kanila, at iyong mga magkakasing-edad ay namumupo sa isa't isa.

Ang sweet mo naman, Evelyn. Ang sweet ng tanong mo.

Well, originally, ang "po" at "opo" ay ginagamit ng mga nagsasalita bilang paggalang sa nakatatanda sa kanila o nakatataas sa kanila ng posisyon.

 

v Gabi ng Musika ika-12 2012 2012-03-21

Sinabi ko last time na, sa obserbasyon ko, mataas ang katayuan ng mga babae dito sa Tsina kumpara sa ibang bansa ng mundo, partikular na sa Asya at Gitnang Silangan. Dito sa Tsina, kinikilala ang kakayahan talino ng kababaihan, kaya marami kang makikitang mga babae na gumagawa ng trabaho ng mga lalaki. Marami kang makikitang babaeng bus drivers, taxi drivers, conductors, electronic technicians at assemblers. Maging doon sa mga construction site marami ring makikitang babae. Marami ring babaeng nurses, mga babaeng guro, language experts, mga pulis at mga sundalo. Marami ring babaeng Tsino na nakagawa ng pangalan sa larangan ng palakasan, pinilakang tabing, musika at iba pa.

 

v Gabi ng Musika ika-11 2012 2012-03-14

Napanood ko iyong pagbubukas ng NPC session last Monday, at ang unang-unang nakatawag ng pansin ko ay iyong traditional costumes ng mga kinatawan mula sa pambansang minorya. Magandang-maganda at makulay na makulay ang kanilang mga kasuotan. Natawag ang pansin ko kasi walang ganyang tagpo diyan sa atin pag nagbubukas ang Kongreso.

 

v Gabi ng Musika ika-10 2012 2012-03-07

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mensaheng pambati para sa pagbubukas ng mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, NPC at CPPCC.

Ang NPC, na siyang kataas-taasang organo ng kapangyarihan at lehislatura ng Tsina, ay magbubukas bukas. Pero ang CPPCC, na isang mahalagang organo ng multipartidong kooperasyon at konsultasyon na nasa ilalim ng pamumuno ng CPC, ay nagbukas na kahapon.

 

v Gabi ng Musika ika-9 2012 2012-02-28

Nagtatanong si Alicia Lee ng Bajac-Bajac, Olongapo City kung totoong malaki ang nagagawa ng carrot para malabanan ng katawan ng tao ang ilang uri ng sakit. Ang sagot ko: totoo. ...

 

v Gabi ng Musika ika-8 2012 2012-02-22

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Ngayon ay araw ng Linggo. Sana, sa inyong pakikinig ng Misa, isinama rin ninyo sa inyong mga panalangin si Whitney Houston, na ang libing ay naka-iskedyul ngayong araw…

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>