Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Tuloy po kayo sa bayan ng Yangshuo 2012-09-27

Bilang bahagi po ng ating serye tungkol sa CAExpo at Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, ngayong gabi ay bibigyan naman natin ng isang espesyal na sulyap ang bayan ng Yangshuo, sa lunsod ng Guilin, Guangxi, Tsina.

Noong nakaraang taon ay pinalad po kami ni Pareng Ernest na maanyayahang magpunta sa lugar na ito...

Nanjing, noon at ngayon 2012-09-13

Dalawang linggo na po ang naakakraan nang talakayin natin, kasama ni Lakay Ramon ang tungkol sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang. Para sa pagpapatuloy ng ating lakbay series, darako naman tayo sa may gawing Silangan ng Tsina at pag-uusapan ang lunsod ng Nanjing.

Ang Nanjing ay ang kabisera ng probinsyang Jiangsu ng Tsina. Ito ay may prominenteng ...

Atityud ng mga Tsino sa sex, nagbabago? 2012-08-16

Ayon sa isang pag-aaral na inilabas kamakailan dito sa Tsina, halos kalahati ng mga babaeng migrant workers, na may edad 29 pababa, ang nabuntis bago sila magpakasal. Malaki ang itinalon pataas ng bilang na ito kumpara sa estadistika noong nakaraang henerasyon.

 

Taliwas sa depinisyon sa Pilipinas, kung saan ang mga migrant workers ay iyong mga Pilipinong nangingibang-bayan upang magtrabaho (OFW)...

Likhang Tsino para sa mga koponan ng mundo 2012-08-02

Nagsimula noong ika-27 ng Hulyo ang 2012 London Olympic Games, at nasungkit ng Tsina ang kauna-unahang medalyang ginto ng olimpiyada sa unang araw ng pagbubukas nito. Bago po tayo magsimula ngayong gabi, nais po nating ipaabot ang ating taos-pusong pagbati sa mga manlalarong nagtagumpay na...

Triple J, bagong sports ng Tsina 2012-07-12

Ilang tulog na lamang at idaraos na po ang 2012 London Olympics. Maraming atleta sa lahat ng bansa sa mundo ang abala na ngayon sa kanilang paghahanda para sa kaganapang ito. Bagamat, ito na ang pinakamaliit na delegasyon ng mga atletang Pinoy sa olimpiyada, magmula noong 1932, sigurado akong puspusan ang kanilang pagsasanay at gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makapag-uwi ng gintong medalya...

Kababaihan, kalahati ng kalangitan 2012-06-21

Minsan ay sinabi ni Chairman Mao Zedong, na "Hawak ng mga Kababaihan ang Kalahati ng Kalangitan." Ito ay bilang pagkilala sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae sa Tsina, at pagkilala sa karapatan at kontribusyon ng mga kababaihang Tsino sa pag-unlad ng mundo. Noong nakaraang Sabado, ang mga katagang ito ay literal na nagkatotoo.

Kuwento ng isang bayani 2012-06-07

Mga kaibigan, sino po ang pumapasok sa inyong isipan kapag binabanggit ang salitang bayani? Marahil, ang iba sa atin, ang sasabihin ay Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, di kaya, Heneral Gregorio Del Pilar, o Ninoy Aquino. Siguro iyong iba naman, sasabihin, ang mga OFW.

Alin man diyan ang ating sagot, tama po lahat iyan. Pero, alam po ba ninyo na lahat tayo ay maituturing na bayani sa ating sariling paraan?

Usapang Kotse 2012-05-18

Kayo poba ay mahilig sa mga kotse? Kayo po ba ay gumagamit ng kotse sa inyong pagpasok sa trabaho? Ito ba ay nagbibigay ng kombinyensya o problema, lalo na kapag natatrapik?

Mga kaibigan, sa kabila ng ala rocket na pagtaas ng presyo ng gasolina at langis, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng kotse or serbis sa kanilang pagpasok sa trabaho, pagnenegosyo, at marami pang iba. Dahil sa panahon ngayon, ang paggamit ng kotse ay isa nang nesesidad para sa marami sa atin.

Mamamayan, pasasayahin ng pamahalaan 2012-05-03

Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina.

Sa anumang bansa sa buong mundo, ang pag-unlad ng ekonomiya ay may kaakibat ding pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. Kadalasan, ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng kalungkutan at pagkadiskontento sa buhay ng mga mamamayan. Sa loob ng ilang dekada, pagkatapos ng pagbubukas sa labas ng Tsina, unti-unting lumabas ang ganitong suliranin.

Tara, biyahe tayo! 2012-04-19

Magandang magandang gabi po mga kaberks. Naririto na naman po si Rhio, ang guwapong Tarlakenyo, para sa isa na namang episode ng programang Dito lang 'Yan sa Tsina.

Mga kaberks, dito sa Beijing ay papasok na po ang summer o tag-init, at opisyal namang nasa kalagitnaan ng tag-init ang Pilipinas. Siguradong marami sa atin ang gustong magpunta o nagpunta na sa mga beach; diyan sa Bora, Palawan, Bohol, Batangas, La Union, at Pangasinan, o di kaya, ay gustong magtungo sa malalamig na lugar na gaya ng Baguio, Ifugao, o Sagada.

Hataw sa tagsibol 2012-04-06

Ngayon po ay tagsibol na sa Beijing. Sa panahong ito, karaniwan nang makikita ang mga naggagandahan at namumukadkad na bulaklak, na may ibat-ibang kulay sa mga kalsada at mga hardin. Kapansin-pansin din ang mga tao na namamasyal sa mga kalsada tuwing sumasapit ang gabi, bagay na hindi mo makikita kapag panahon ng taglamig. Nagsisimula na ring nagsusuot ng mas maninipis na damit ang karamihan sa mga mamamayan, at naglilitawan na rin ang mga nagbebenta ng pagkain at mga damit sa gilid ng mga kalsada, na katulad din ng karaniwan nating nakikita sa Pilipinas.

Touching China 2012-03-29

Sa mundong ating ginagalawan sa ngayon, kapansin-pansing napakaraming suliranin ang ating kinakaharap, nariyan ang mga problema sa kapaligiran na dulot ng mga sakuna sa kalikasan, tulad ng mga baha, lindol, kakulangan sa enerhiya, problemang nuklear, mga digmaan, at ibat-ibang porma ng terorismo. Sa harap ng mga nabanggit na suliranin, makikita natin ang pangangailangan sa mga mamamayang naninindigan para sa mapayapang pag-unlad at mga nilalang na nagmamahal sa kapayapaan, pag-unlad ng lipunan, at mga mamamayang gumagawa ng hakbangin, na kahit munti ay nagsusulong ng pagbabago.

Spring Festival, ano ba ito?(Ikalawang bahagi) 2012-02-02

Magandang magandang gabi mga katoto, kapanalig, at kabarkada. Welcome muli sa programang may tatak Tsina at pusong Pinoy, ang Dito lang 'Yan sa Tsina. Ito po ang inyong host, ang guwapong Tarlakenyo, Lakay Rhio. Noong nakaraang linggo ay pinag-usapan po natin ang hinggil sa pagdiriwang ng Spring Festival sa Tsina at ang mga kaukulang paghahanda ng pamahalaan upang magkaroon ng akomodasyon ang mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ngunit sa kasamaang palad ay kinapos po kami ng oras...

Mga bagay na di pa ninyo alam tungkol sa Tsina 2012-01-05

Magandang magandang gabi mga katoto, kapanalig, at kabarkada. Welcome muli sa programang may tatak Tsina at pusong Pinoy, ang Dito lang 'Yan sa Tsina. Ito po ang inyong host, ang guwapong Tarlakenyo, Lakay Rhio. Alam nating lahat na napakaraming magagandang bagay, lugar, at kaugalian dito sa Tsina, kasama na riyan ang Great Wall of China, Tian'anmen Square, Summer Palace, Bundok Wuhan,mga masasarap na pagkain, at marami pang iba. Pero, dahil kapapasok pa lamang ng bagong taon, gusto kong ibahagi sa inyo ang mga bagay at pangyayari na hindi pa ninyo alam hinggil sa Tsina.

Magturo'y di biro: Isang pagpupugay sa mga guro 2011-12-22

Noong ako'y bata pa, lagi kong naririnig sa aking mga naging guro, na ang pagtuturo ay hindi birong propesyon, at napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa kanilang mga balikat.
Sa aking murang pag-iisip noong mga panahong iyon, hindi ko lubos maintindihan ang kanilang sinasabi. Subalit, makalipas ang maraming taon, nagtapos ako ng pag-aaral, naging ganap na mamamahayag, at kamakailan ay naging guro na rin sa Pamantasan ng Peking, ngayon ko pa lang napagtanto ang kanilang mga sinabi...

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>