Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Mga Pinoy sa AIIB Ikalawang Bahagi 2017-03-15

Sa nakaraang episode ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), hindi natin natapos ang ating pakikipagkuwentuhan kina: Rachelle Arcebal (Senior Compensation and Benefits Specialist); Andrew Mendoza (Integrity and Risk Specialist); Frederick Esmundo (Senior Environment Specialist); at Lazaro "Larry" dela Cruz Jr. (Senior Budget Management Specialist), 4 na Pinoy na nagtatrabaho sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Para sa gabing ito, aalamin naman natin kung anong klaseng pamumuhay mayroon sila rito sa Beijing at kung ano ang pananaw nila tungkol sa maraming bagay dito sa Tsina,sa ikalawang bahagi ng episode ng DLYST na pinamagatang "Mga Pinoy sa AIIB."

Mga Pinoy sa AIIB Unang Bahagi 2017-03-08

Sa nakaraang episode ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), natalakay po natin ang tungkol sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at ang pagbisita rito ng isang leadership institution ng Pilipinas – ang Saceda Youth Lead.

Nasabi rin po natin na mayroong 4 na Pinoy na nagtatrabaho sa AIIB.

AIIB, ano nga ba ito? 2017-03-04

Noong nakaraang linggo ay bumisita sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing ang Saceda Youth Lead, isang leadership institution ng Pilipinas at siyang humuhubog sa mga future leaders n gating bansa...

 

Leadership Institution ng Pilipinas, bumisita sa Serbisyo Filipino 2017-02-26

Bumisita noong Lunes, Pebrero 20, 2017 sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing ang Saceda Youth Lead, isang leadership institution ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Edwin M. Bernadas Jr., puno ng delegasyon, na ang pagbisita ay naglalayong ipakita sa mga estudyanteng Pilipino, kung paano sinasanay ng ibat-ibang unibersidad at institusyon ng Tsina ang mga kabataang Tsino upang maging epektibong lider sa ibat-ibang larangan.

Astig na Kaalaman Tungkol sa Tsina 2017-02-17

Ang Sibilisasyong Tsino ay isa sa mga pinakamatandang sibilisasyon sa daigdig. Humigit-kumulang sa 6,000 taon na ang nakakaraan nang umusbong ito mula sa Yellow River o Huang He. Napakarami ring mga bagay ang naimbento at nagsimula sa Tsina, at ilan sa mga ito ay mga importanteng kagamitan sa modernong panahon, tulad ng papel, pag-i-imprenta, pulbura, kompas at marami pang iba.

Chun Jie Kuaile 2017-02-08

Ang Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie ay ang unang araw sa Kalendaryong Tsino. Kapag papalapit na ang Chun Jie,abala ang mga tao sa pagbili ng mga kagamitan, paglilinis ng bahay, pagluluto ng mga tradisyonal na pagkain, paggawa ng mga couplet, at pagsasabit ng mga dekorasyon. Ang pagsasalu-salo ng buong pamilya sa hapunan ay ang pinaka-importanteng aktibidad sa Pestibal ng Tagsibol o Chun Jie...

Mobike ng Tsina 2017-01-20

Siguradong marami sa inyo ang gumagamit o pamilyar sa Uber, Grab at iba pang e-cab service. Sa mga nakalipas na taon, patuloy na bumibigat ang situwasyon ng trapiko sa atin diyan sa Pilipinas, lalo na kung rush hour, di po ba? Kaya naman, naging importanteng bahagi ng transportasyon nating mga Pinoy ang mga e-cab service na ito. Tulad din sa Pilipinas, marami ring e-cab service na naging popular dito sa Tsina, lalo na sa malalaking lunsod na tulad ng Beijing at Shanghai. Napakaraming Tsino ang gumagamit ng mga ito, lalo na ang mga nag-o-opisina na gaya ng inyong lingkod.

Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina 2017-01-06

"As of September [2016], na-beat na natin iyong last year's arrivals," ito ang ipinahayag, Disyembre 28, 2016 ni Niel Ballesteros, Tourism Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa "Year-end Appreciation Dinner" na ginanap sa Hilton Hotel, Beijing.

Sinabi ni Ballesteros na noong 2015, 490,841 ang bilang ng mga Tsinong bumisita sa Pilipinas, pero sa taong 2016, Setyembre pa lamang ay mayroon nang 537,000.

Pasko sa Tsina 2017-01-01

Kumusta po ang pagsalubong natin ng Pasko? Alam po ninyo, ang Pilipinas ay natatangi sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko, kung saan, ang mga awit Pamasko ay naririnig mula Setyembre hanggang Enero ng susunod na taon.

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino 2016-12-17

Alam po ba ninyo na ang Pilipinas at Tsina ay mayroon nang mahigit isanlibong taong kasaysayan ng pagkakaibigan? In fact, malaki ang posibilidad na ang Tsina ay ang unang bansang nagkaroon ng kaugnayan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng trade. Sa madaling salita, posibleng ang Tsina ang unang naging kaibigan ng Pilipinas.

Industriya ng konstruksyon ng Pilipinas, makikinabang sa China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum 2016-12-03

Noong nakaraang linggo, tinalakay po natin ang hinggil sa pagdaraos ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) na idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina.

Sa kanyang presentasyon sa nasabing pagtitipon, sinabi ni Rhenita Rodriguez, Minister Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing na lubhang napakalaki pa ng espasyo para sa pag-unlad ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina.

China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum, idinaos sa malaparaisong bayan ng Panxian 2016-11-25

Idinaos noong Nobyembre 17, 2016 sa Tuole County, Bayan ng Panxian, Probinsya ng Guizhou, sa gawing timog-kanluran ng Tsina ang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF).
Sa kanlungan ng nagagandahang burol, dalisay na ilog at kaakit-akit na kalikasang nababalutan ng malamig at kaaya-ayang ulap, dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga opisyal ng Guizhou, opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Beijing, mga diplomata ng iba pang bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), mga mangangalakal na Tsino at ASEAN, at mga media.

Pelikulang "Bamboo Flowers," ipinalabas sa Peking University 2016-11-10

Beijing – Ipinalabas, Nobyembre 7, 2016 sa School of Foreign Languages ng Peking University ang pelikulang Pilipinong pinamagtaang ""Bamboo Flowers."

Sa kanyang pambungad na talumpati, pinasalamatan ni Elizabeth T. Te, Charge d' Affaires (CDA) ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijng, si Wu Jiewei, Direktor ng Institute of Southeast Asian Studies ng Peking University at School of Foreign Languages ng nasabing unibersidad sa kanilang suporta at tulong sa pag-o-organisa ng palabas.

Ginintuang Panahon ng Relasyong Sino-Pilipino, dumating na 2016-11-04

Pagkatapos ng matagumpay na biyahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina, nag-uumpisa na nating makita ang maraming positibong bunga nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Kasama na riyan ang recent development na pagtanggal ng Tsina sa travel ban sa Pilipinas. Ito ay inaasahang magpapa-kuwadruple ng bilang mga turistang Tsinong nagpupunta at namamasyal sa Pilipinas...

13 Kasunduang Pangkooperasyon, dala ni Pangulong Duterte mula sa Tsina 2016-10-30

Tulad ng prediksyon ng maraming opisyal na Pilipino at Tsino, matagumpay na matagumpay ang ginawang biyahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina. Ang magkasanib na pahayag ng Pilipinas at Tsina na inilabas noong Oktubre 21, 2016 ay isang matibay na patunay nito.

Ang nasabing magkasanib na pahayag ay nagpapakita ng commitment ng dalawang bansa para ibalik sa tamang landas ang relasyon ng Pilipinas at Tsina na naapektuhan ng isyu sa dagat.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>