Hanggang kagabi, ang magnitude 6.6 na lindol na naganap sa lalawigang Gansu sa hilagang kanluran ng Tsina, ay ikinamatay na ng 95 katao, at ikinasugat ng mahigit isang libong iba pa. Nawasak sa lindol ang mahigit 51 libong pabahay, at grabeng nasira ang mahigit 75 libong iba pa. Mahigit 581 libong katao ang apektado sa kalamidad.
Sa kasalukuyan, ang mga relief fund at materials ay sunud-sunod na dumarating sa nilindol na lugar. Sa tulong naman ng mga relief workers, unti-unti nang napapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Liu Kai