Sa ngalan ng Pamamahalaan ng Afghanistan, ipinahayag kahapon ni Seddiq Seddiqi, Tagapagsalita ng Ministring Panloob ng bansa ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng tatlong nasawing mamamayang Tsino. Ipinangako rin niyang buong-sikap na iimbestigahan at lulutasin ng Pamahalaang Afghan ang kaso at buong-lakas ding pangangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Afghanistan.
Kinumpirma kamakailan ng Embahada ng Tsina sa Afghanistan na tatlong mamamayang Tsino ang napatay sa Kabul nitong nagdaang Huwebes at dalawa ang nawawala. Pribadong mangangalakal lahat sila.
Ayon sa pinakahuling balita, isa sa dalawang nawawalang Tsino ang naiulat na nakaligtas, at isa pa ang nananatiling nawawala.
Salin: Jade