Nailigtas na kahapon ang isang lalaking Tsino na inatake at dinukot sa Afghanistan. Ayon sa pahayag ng Embahadang Tsino, nasa maayos nang kalagayan ang nasabing Tsino at nailagak na sa ligtas na lugar.
Bukod sa kanya, dalawa pang babae at isang lalaki ang nasawi, samantalang isa pang lalaki ang naawala sa nabanggit na pang-aatake.
Hinimok naman ng Embahadang Tsino ang panig pulisya ng Afghanistan na buong sikap na dakpin ang mga may kagagawan at hanapin ang nawawalang Tsino.
Ayon sa ulat, ang naturang mga inatakeng Tsino ay mga pribadong mangangalakal sa Afghanistan. Sa kasalukuyan, halos 200 Tsino ang nakatira sa bansang ito.