Ayon sa isang ulat ng Asian Development Bank (ADB) kahapon, kahit mabilis na umuunlad ang kabuhayang Asyano, marami pa ring Asyano ang hindi nakakahulagpos sa kahirapan, at kinakailangan pa rin ng mga bansang Asyano ang ibayong pagsisikap para mabawasan ang kahirapan.
Ayon sa ulat, kahit nabawasan nang malaki ang populasyon ng mahihirap nitong nakalipas na ilang taon, sangkalima ng mga Asyano ang namumuhay sa karukhaan. Sinabi ni Kazu Sakai, Director General ng Strategy and Policy Department ng ADB, na dapat patuloy na magsikap ang mga bansang Asyano at isagawa ang mga positibong interbensyong pambansa para mapanatili ang kasaganaan.
Malapit na ang deadline ng Millennium Development Goals ng UN sa taong 2015, at ipinaaalaala nito sa mga tao ang mga di pa natatapos na trabaho at hakbangin para mabawasan ang kahirapan.
Salin: Andrea