|
||||||||
|
||
Caritas Manila, naglabas na ng ayuda
UMABOT na sa P 6 milyong halaga ng relief goods ang naipamahagi ng Caritas Manila sa mga nasalanta ni "Maring" at ng panahong habagat.
Sa isang pahayag, hanggang kanina, may 16,000 pamilya ang natulungan ng Damayan Emergency Relief packs sa mga simbahan sa Metro Manila at mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
May limang kilong bigas, anim hanggang siyam na pirasong de lata, biskwit, instant noodles, kape at mineral water.
Mayroon ding 150 kahon ng mga gamot, 200 sakong damit at may 50 hygiene pack na naglalaman ng sabon at toothpaste ang naipamahagi sa mga biktima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |