Ipininid kaninang hapon sa Bishkek, Kyrgyzstan, ang ika-13 summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Narating ng mga kalahok na lider ang nagkakaisang posisyon sa pagbibigay-dagok sa terorismo; separatismo; ekstrimismo; paglaban sa droga; pagpupuslit ng mga sandata; at transnasyonal na krimen.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga bansang kalahok na napakahalaga ng impluwensya ng kalagayan ng Afghanistan sa kalagayan ng rehiyong ito at dapat tulungan ang pagpapatupad ng kapayapaan at katatagan sa nasabing bansa.
Bukod ito, tinalakay din nila ang mapa ng pag-unlad ng SCO sa hinaharap, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, seguridad, kultura at edukasyon.