Dumating kagabi, sa Saint Petersburg, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa G20 Summit na nakatakdang idaos ngayong araw at bukas.
Ang tema ng G20 Summit sa taong ito ay may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at hanap-buhay.
Sa sidelines ng Summit, naka-iskedyul na makipagtagpo si Pangulong Xi sa mga kalahok na lider na gaya nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos at iba pa.
Dumating ng Rusya ang Pangulong Tsino makaraang magsagawa ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Turkmenistan. Pagkaraang lumahok sa G20 Summit, dadalaw rin si Pangulong Xi sa Kazakhstan, Uzbekistan at Kyrgyzstan at dalalo sa Ika-13 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Bishkek, Kyrgyzstan.
Salin: Jade