SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon upang makamit ang mas mapayapa at mas maunlad na rehiyon.
Pinuri niya si Sultan Hassanal Bolkiah sa matagumpay at magandang pamumuno sa rehiyon sa taong ito. Layunon ng ASEAN ang pagkakaisa at pagtutulungan.
Umaasa si Pangulong Aquino na magkakaroon ng higit na masiglang pagtutulungan at mas malalim na pagkakaibigan upang matamo ng rehiyon ang tagumpay na kailangan. Umaasa rin siya sa maayos na magaganap sa Myanmar.
Nakiisa ang Pilipinas sa paniniwala na sa pagtutulungan at magandang relasyon magkakaroon ng mas malalim na pagkakaibigan sa pagkakaroon ng iisang komunidad sa taong 2015.
Patuloy na isusulong ng Pilipinas ang micro, small at medium enterprises upang magkaroon ng maayos na kabuhayan ang mga mamamayan. Sumusuporta rin ang Pilipinas sa pagpapatotoo ng ASEAN Strategic Action Plan for SME Development para sa taong 2010-2015. Tutulong din ang pilipinas sa ASEAN-wide Self-Certification Scheme upang sumigla ang MSMEs sa pangrehiyong kalakalan.
Ani Pangulong Aquino, ang mga bansang kalahok sa ASEAN at hindi kalahok sa pangrehiyong samahan, maging claimant on non-claimant ay nagkakasunod sa pagsunod sa "rule of law". Noong 2002 pinagtangkaang magkaroon gn Code of Conduct subalit hindi ito nagtagumpay. Nagkaroon ng guidelines na naging DOC na nangangailangan ng mga makakahulugang pagkilos.
1 2