Binuksan ngayong umaga sa Bandar Seri Begawan, Brunei ang Ika-23 ASEAN Summit.
Kalahok dito ang mga lider ng sampung bansang ASEAN at ang pangkalahatang kalihim ng ASEAN na si Le Luong Minh.
Sa ilalim ng temang "Our People, Our Future Together," tatalakayin ng mga lider ng ASEAN ang hinggil sa mga isyung gaya ng kaligtasan, kabuhayan, lipunan at kultura bilang paghahanda para sa pagtatatag ng ASEAN Economic Community sa taong 2015.
Idaraos din ngayong araw ang Summit ng ASEAN at Tsina kung saan magtatalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Salin: Jade