Sa ika-16 na Summit ng ASEAN at Tsina (10+1). Winika kaninang hapon ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina, na nananangan ang Tsina sa mga patakarang pangkaibigan nila ng mga kapitbansa ng ASEAN.
Nakahanda aniya ang Tsina na aktibong talakayin ang paglalagda ng mga kasunduan ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at mga bansang ASEAN para magpakita ng kanilang determinasyon at kompiyansa sa magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at pagpapalalim ng kooperasyon. Ito ay magkakaloob din ng garantiya sa batas at mekanismo para sa kooperasyon nila at magbibigay ng patnubay sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
salin:wle