Kahapon ay International Day for the Eradication of Poverty. Sa kanyang talumpati, sinabi nang araw ring iyon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na mabigat pang pasanin sa balikat ang pagpawi sa karalitaan at malayo pa ang pagpapatupad ng layon nito. Aniya, dapat gawing itong priyoridad ng adyenda ng pag-unlad ng UN pagkaraan ng taong 2015.
Ipinalabas nang araw ring iyon ang pahayag ni John W. Ashe, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, na nananawagan sila sa iba't ibang bansa na aktibong magsikap para maipagkaloob ang tulong sa mga mahihirap. Sinabi ni Ashe na hindi umaabot sa 1.25 dolyares bawat araw ang cost of living ng 1.2 bilyong mamamayan sa daigdig. Aniya, ang mga mahihirap ay palagiang nagiging biktima ng diskriminasyon at katarungan ng lipunan.
Salin: Andrea