Hininiling kahapon ng panig Tsino sa mga tauhan at institusyong dayuhan na nakabase sa Tsina na huwag magsagawa ng mga aktibidad na nakakapinsala sa seguridad at interes ng Tsina.
Bilang tugon sa ulat kamakailan ng Der Spiegel ng Alemanya na nagsasaad na nagsagawa ang Estados Unidos ng mga surveillance activities sa Beijing, Shanghai at Chengdu, sa pamamagitan ng mga embahada o konsulada nito sa nasabing mga siyudad, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hiniling na ng panig Tsino sa panig Amerikano na ipaliwanag ang pangyayaring ito. Hinimok din ng tagapagsalitang Tsino ang mga personahe at institusyong dayuhan sa Tsina na sundin ang Vienna Convention on Diplomatic Relations at Vienna Convention on Consular Relations.
Salin: Jade