Sa kanilang pakikipagtagpo kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-Moon ng United Nations (UN), ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng Southern Common Market (MERCOSUR) ang kanilang malasakit sa mga aktibidad na pang-ispiya ng Amerika, bunga ng pagkakabunyag ni dating CIA Contractor Edward Snowden sa PRISM, intelligence surveillance project ng Estados Unidos. Ipinahayag din nila ang implikasyon hinggil sa pagtanggi ng Italiya, Pransiya, Portugal at Espaniya sa pagdaan ng eroplano ni Pangulong Juan Evo Morales Ayma sa kanilang teritoryong panghimpapawid, pauwi ng Bolivia. Si Pangulong Morales ay lumahok sa isang pulong sa Moscow noong ika-2 ng Hulyo. Inakala ng nasabing mga bansang kanluranin na sakay ng eroplano ni Pangulong Morales si Snowden.
Inulit naman ni Ban ang pangangailangan sa pangangalaga sa privacy at iba pang mahahalagang karapatan ng tao sa mga aktibidad na pang-espiyonahe. Binigyang-diin din niyang hindi dapat lapastanganin ang diplomatic immunity at espesyal na eroplano ng isang puno ng estado.
Ang MERCOSUR ay isang samahang pangkalakalan ng Timog Amerika, na binubuo ng Argentina, Brazil, Paraguay, Uruguay at Venezuela na itinatag noong 1991.
Salin: Jade