Iniulat kahapon ng Washington Post na ayon sa pinakahuling classified document na isinapubliko ni Edward Snowden, dating empleyado ng National Security Agency (NSA) ng Amerika, sa pamamagitan ng isa pang surveillance program, lihim na kumukuha ang NSA ng mga impormasyon mula sa mga data center ng Yahoo at Google.
Anang ulat, tinatawag na MUSCULAR ang nabanggit na surveillance program, at sa pamamagitan nito, kumukuha araw-araw ang NSA ng ilang milyong rekord ng mga impormasyon mula sa Yahoo at Google, at itinitinggal ang mga ito sa punong himpilan ng NSA sa Maryland. Ayon pa rin sa ulat, pinamamahalaan ang programang ito ng mga intelligence agency ng Amerika at Britanya.
Pero, kapwa pinabulaanan ng Yahoo at Google ang naturang ulat. Sinabi ng Yahoo na hindi nitong ipinagkaloob sa NSA o iba pang ahensya ng pamahalaang Amerikano ang access sa data center nito. Sinabi naman ng Google na di-alam nito ang ganitong surveillance program na iniulat ng Washington Post. Kapwa rin ipinahayag ng dalawang kompanya na ligtas ang mga impormasyon na may kinalaman sa kanilang mga kliyente.
Salin: Liu Kai