Sa kanyang pangkagipitang talumpati sa pambansang telebisyon, ipinatalastas ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na nagharap na ang Pheu Thai Party (PTP) ng aplikasyon ng pagbawi sa lahat ng mga panukalang batas na may kinalaman sa amnestiya sa Mababang Kapulungan ng Thailand, at ipinagtibay na ang aplikasyong ito. Samantala, ipinahayag naman ni Nikom Wairatpanij, Presidente ng Mataas na Kapulungan ng Thailand ang maagang deliberasyon ng Amnesty Bill at ang unang pagbasa ay idaraos ngayong hapon.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na kung mabebeto ang Amnesty Bill sa Mataas na Kapulungan, papasok na sa 180 araw na "silence period" ang kinauukulang proseso ng lehislasyon at may posibilidad na pansamantalang humupa ang kasalukuyang tensyon sa Thailand. Pero, kung mapapagtibay ang panukalang batas, lalala ang di-matatag na kalagayang pulitikal sa bansa.
Salin: Jade