Sa memorial meeting ni Nelson Mandela, dating Pangulo ng Timog Aprika, nakipagkamay si Pangulong Barack Obama ng Amerika kay Raúl Castro, Lider ng Cuba.
Nitong nakalipas na ilang taon, isinagawa ng Amerika at Cuba ang mga hakbangin para mapahupa ang tensyon sa bilateral na relasyon ng dalawang nasyon. Ipinahayag ni Obama noong nagdaang buwan na dapat patuloy na isaayos ng Amerika ang mga patakaran nito hinggil sa Cuba. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang pagkakamay ng dalawang lider ay posibleng nangahulugang ibayo pang isasagawa ang mga hakbangin para mapabuti ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Andrea