Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang lahat ng aksyon na makakapinsala sa katatagan ng Korean Peninsula.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Hilagang Korea na magsasagawa ito ng salakay sa Timog Korea nang walang patalastas. Tungkol dito, ipinahayag ni Hua na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula ay angkop sa interes ng iba't ibang panig, at ito rin ang kanilang komong tungkulin. Aniya, umaasa ang panig Tsino na magtitimpi ang iba't ibang panig para maiwasan ang pagsasagawa ng salita o aksyon na magdudulot ng paglala ng situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Andrea