Bumisita kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa Pilipinas para malaman ang proseso ng rekonstruksyon pagkatapos manalasa ni bagyong Yolanda.
Sa Manila, nakipagtalakayan si Ban kay Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa mga gawaing panaklolo sa mga nasalantang lugar at pagbibigay ng sikoterapiya sa mga apektadong mamamayan.
Ayon kay Abigail Valte, Pangalawang Tagapagsalita ng Malacanang, pinasalamatan ni Pangulong Aquino III ang malaking tulong ng UN sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon ng PIlipinas pagkatapos ng bagyo.
Pagkatapos makipag-usap kay Pangulong Aquino III, bumisita rin si Ban sa Tacloban City para alamin ang kalagayan ng mga nasalantang lugar at tingnan ang proseso ng rekonstruksyon doon. Ipinahayag ni Ban na buong sikap na magbibigay-tulong ang komunidad ng daigdig sa mga nasalantang lugar ng Pilipinas.
Bago bumisita si Ban sa Pilipinas, sinimulan ng UN ang isang proyekto na humikyat ng 791 milyong dolyares. Ito ay gagamitin upang magkaloob ng mga pagkain, malinis na tubig-inumin at tuluyan sa mga nasalatang Pilipino.