Sinalubong kahapon ng mga apektadong mamamayan ng Tacloban ang kapaskuhan sa labi ng mga lugar na sinalanta ni Yolanda.
Sa bisperas ng pasko, abalang-abalang ang mga taga-Tacloban sa pagluluto ng noche buwena, gumawa ng Chritmas tree sa tulong ng mga plastic bottle at iba't ibang ibinasurang bagay. Punong puno ng tao sa mga nasirang simbahan.
Ipinamigay ng World Food Programme (WFP) ng UN, ang 1300 hanggang 18 libong piso sa mga mahihirap na pamilya sa Tacloban at karatig na lalawigan para ipagdiwang nila ang kapistahan.