Natapos kahapon sa Geneva ang ika-2 round ng talastasan ng pamahalaan at oposisyon ng Syria, pero wala itong anumang natamong progreso.
Ang pangunahing hindi pinagkasunduan ng dalawang panig ay kung ano unang isyung tatalakayin sa talastasan. Ipinalalagay ng pamahalaan ng Syria na dapat talakayin muna ang pagtigil ng marahas na aksyon at pagbibigay-dagok sa terorismo. Pero iginigiit ng oposisyon na ang isyung dapat pag-usapan ay ang pagbuo ng transisyonal na namamahalang organo.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kalungkutan si Lakhdar Brahimi, Espesyal na Sugo ng UN at Arab League sa isyu ng Syria. Sinabi niyang isasagawa ng pamahalaan at oposisyon ng Syria ang ika-3 round ng talastasan para talakayin ang pagbibigay-dagok sa marahas na aksyon at terorismo, transisyonal na namamahalang organo, sistemang pulitikal ng bansa, at pambansang rekonsilyasyon. Pero wala siyang sinabing aktuwal na petsa ng naturang talastasan.
Ipinahayag din Brahimi na iuulat niya kay Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang kalagayan ng ikalawang round ng talastasan. Bukod dito, umaasa aniya siyang tatalakayin, kasama nina Ban, John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Isyu ng Syria.