Nag-usap kahapon ng hapon sa telepono sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Najib Razak ng Malaysiya, hinggil sa paghahanap ng isang nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines na may 154 pasaherong Tsino at pagsasagawa ng gawaing panaklolo.
Humingi ng paumanhin si Najib Razak sa panig Tsino hinggil sa insidenteng ito at nakiramay siya sa mga kamag-anak ng mga pasaherong Tsino sa naturang nawawalang eroplano.
Sinabi niya na nagtutulungan ang kanyang bansa at ibang mga may kinalamang bansa para hanapin ang naturang nawawalang eroplano at buong sikap na isasagawa ang mga gawaing panaklolo.
Sinabi ni Li na isinagawa na ng panig Tsino ang pangkagipitang katugong hakbangin para hanapin ang naturang eroplano. Ipinadala ng Tsina ang mga coastguard at kawal sa rehiyong pandagat kung saan nawalan ng kontak ang naturang eroplano para isagawa ang gawaing paghahanap at panaklolo.
Kapwang ipinahayag nila na pananatilihin ang mahigpit na pagtutulungan at pagkokoordihanan hinggil dito.