Pagkatapos mawalan ng kontak ang Malaysia Airlines Flight MH370 na may lulang 154 pasaherong Tsino sa dagat, agarang isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga katugong hakbangin para hanapin ang naturang eroplano at isagawa ang gawaing panaklolo.
Ipinahayag ngayong araw ni Li Jiaxiang, Puno ng Civil Aviation Administration ng Tsina, na buong sikap na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para hanapin ang naturang nawawalang eroplano at iligtas ang mga pasaherong Tsino.
Hanggang sa kaninang tanghali, ang bapor ng Chinese Coast Guard na No3411, isang malaking cargo ship ng Tsina, tatlong surveillance ship ng China Maritime Search and Rescue Centre, at dalawang bapor na pandigma ng tropang pandagat ng Tsina ang dumating sa rehiyong padagat kung saan nawalan ng kontak ang naturang eroplano para isagawa ang gawaing paghahanap at panaklolo.
Bukod dito, ipinahayag ni Li na ang kasalukuyang pangunahing gawain ay tiyakin ang aktuwal na posisyon ng naturang nawawalang eroplano sa lalong madaling panahon.(