Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saklaw ng search at rescue operation para sa nawawalang eroplanong pampasahero ng Malaysia, pinalawak sa 50 nautical miles

(GMT+08:00) 2014-03-10 11:40:28       CRI

Ipinahayag kagabi ng Civil Aviation Administration ng Malaysia na ang di-pa matiyak na bagay na natuklasan sa karagatan malapit sa katimugan ng Vietnam ay hindi nalalabing bahagi ng nawawalang pampasaherong eroplano ng Malaysia Airlines. Anito pa, hindi pa rin tiyak kung ang langis na nakita sa karagatan ay galing sa naturang eroplano. Ngunit, sa kasalukuayan, hindi pa rin maiaalis ang posibilidad na hinaydiyak ang naturang eroplano.

Ipinahayag din ng Malaysia na 34 eroplano at 40 bapor mula sa Tsina, Vietnam, Singapore, Indonesia, Pilipinas, Thailand, Amerika at Australia ang kasalukuyang nagsasagawa ng gawaing-panaklolo. Anito pa, pinalawak na sa 50 nautical miles ang saklaw ng lugar kung saan ginagawa ang paghahanap at pagliligtas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>