Sa isang komunike na inilabas kahapon ng International Criminal Police Organization(Interpol), kinumpirma nitong may dalawang nawawalang passport na ginamit ng mga di-pa nakikilalang pasahero sa pagsakay sa Flight MH-370 ng Malaysia Airlines.
Anito, ang naturang dalawang passport ay mula sa isang taga-Austria at taga-Italya. Ang dalawang pasaporte ay nawala sa Thailand, noong 2012 at 2013, nakatala ang mga ito bilang stolen at lost passport sa data-base ng Interpol.
Kaugnay nito, pagkaraan ng negosasyon sa panig Malaysian, napagpasiyahan kahapon ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na magpadala ng isang work group patungong Malaysia, para magsagawa ng magkasamang imbestigasyon hinggil dito.