Ipinahayag kahapon ng hukbong pandagat ng Amerika na ipinadala nito ang USS Kidd, guided missile destroyer patungong lugar kung saan ginagawa ngayon ang paghahanap at pagliligtas sa nawawalang pampasaherong eroplano ng Malaysian Airlines.
Nauna rito, isa pang katulad na warship, ang USS Pinckney ang ipinadala na ng Amerika sa nasabing lugar.
Samantala, ipinahayag ng Marine Rescue Center ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina na 6 bapor at 3 helicopters ang ipinadala na ng Tsina para sa search at rescue operation. Darating sila sa target na lugar, sa alas diyes, mamayang gabi.