Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM ng Malaysia: pahihigpitin ang seguridad sa paliparan kung kakailanganin

(GMT+08:00) 2014-03-10 16:39:13       CRI

Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na kung kakailanganin, muling susuriin at pahihigpitin ng kanyang pamahalaan ang mga hakbanging panseguridad sa Kuala Lumpur International Airport.

Winika ito ni Najib pagkaraang kumpirmahin kahapon ng Civil Aviation Administration ng Malaysia na may dalawang pasaherong lulan ang nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na gumamit ng pekeng pasaporte.

Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong nagdaang Sabado (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.

Nawalan ito ng kontak sa air traffic control alas-2:40 ng umaga, habang lumilipad sa Ho chi Minh City, Biyetnam.

Dalawa't katlo (2/3) ng 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin:Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>