Bilang tugon sa pananalita ni Mary Half, Pangalawang Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos tungkol sa isyu ng Ren'ai Reef, ipinahayag kahapon sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang pagpapalabas ng di-responsableng pananalita tungkol dito.
Ani Hong, mayroong di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Ren'ai Reef. Hindi aniya palalampasin ng Tsina ang anumang probokasyon ng panig Pilipino na nagtatangkang sakupin ang Ren'ai Reef, at buong tatag na ipagtatanggol ang lehitimong karapatan at interes ng bansa.
Dagdag pa niya, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na igalang ang katotohanan, at itigil ang pagpapasigla ng probokatibo at mapanganib na aksyon ng may-kinalamang bansa.
Salin: Li Feng