Sinabi kahapon ni Sun Xiangyang, Charge d'affaires ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas na ang pinasulong na international arbitration ng Pilipinas ay hindi makakatulong sa paglutas sa kanilang alitang panteritoryo sa South China Sea (SCS). Sa halip, makakapinsala aniya ito sa relasyon ng dalawang bansa.
Inulit ng diplomatang Tsino na isinumite ng Pilipinas ang Memorial para sa international arbitration batay sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pero, ang alitan sa soberanyang panteritoryo ay hindi sakop ng UNCLOS. Bukod dito, noong 2006, nagpalabas ang Tsina ng isang may kinalamang pahayag batay sa UNCLOS. Ayon sa pahayag, hindi tanggapin ng Tsina ang international arbitration hinggil sa mga isyung may kinalaman sa hanggahang pandagat at karapatang pangkasaysayan. Kaya, may karapatan ang Tsina na hindi tatanggapin ang arbitrasyon na pinasulong ng Pamahalaang Pilipino.
Aniya pa, palagiang naninindigan ang Tsina na ang alitan hinggil sa isyu ng SCS ay kailangang lutasin sa pamamagitan ng konsultasyon at negosasyon sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa. Mababasa ito sa mga kasunduan na narating ng Tsina at Pilipinas at sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas.
Hinimok ng Pamahalaang Tsino ang Pamahalaang Pilipino na sumunod sa pangako nito sa mga narating na kasunduan ng dalawang bansa at bumalik sa bilateral na pagsasanggunian.