Sa Perth, Australia—ayon sa pinakahuling ulat kahapon ng Joint Agency Coordination Center (JACC), isinagawa kahapon hanggang kaninang umaga ng Bluefin-21 ang pang-sumpung beses na paghahanap. Sa kasalukuyan, natapos ang paghahanap sa 80% ng focused underwater area sa Indian Ocean, pero, wala itong natuklasang bagay na may kaugnayan sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ipinagpatuloy ngayong araw ang paghahanap sa himpapawid at dagat. Lumahok sa gawaing ito ang 10 eroplanong militar at bapor.
Salin: Andrea