Inulit ngayong araw ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina, na ang Ren'ai Reef ay teritoryo ng Tsina. Hinding hindi aniya matatanggap ng Tsina ang pananakop ng panig Pilipino dito, sa anumang paraan.
Winika ito ng tagapagsalitang Tsino bilang tugon sa pananalita ni Pangulong Barack Obama ng Amerika kaugnay ng Diaoyu Islands. Bago ang kanyang ginagawang biyahe sa Hapon, ipinahayag ni Obama na applicable sa Diaoyu Islands ang Kasunduang Panseguridad ng Hapon at Amerika.