Ipinahayag kahapon ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang solemnang representasyon kay Erlinda Basilio, Embahador ng Pilipinas hinggil sa isinumiteng arbitrasyon ng Pilipinas kamakalawa hinggil sa alitan sa isyu ng South China Sea (SCS).
Inulit ni Liu na hindi tatanggapin o dadaluhan ng Tsina ang pandaigdig na arbitrasyon ayon sa UNCLOS.
Aniya, ang alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS ay may kinalaman sa soberanya sa ilang isla at reef, at sa delimitasyon sa hanggahang pandagat ng dalawang bansa. Kaugnay nito, nagpalabas ng pahayag ang Tsina noong 2006, batay sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Anang pahayag, hindi tatanggapin ng Tsina ang paglutas sa ganitong alitan, sa pamamagitan ng arbitrasyon. Ipinakikita nitong nababatay sa UNCLOS ang pagtanggi ng Tsina sa isinumiteng memorial ng Pilipinas para sa arbitrasyon.
Bukod dito, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, sang-ayon ang mga signataryong bansa na lutasin ang alitang pandagat sa pamamagitan ng talastasan, sa pagitan ng mga may direktang kinalamang bansa. Mababasa rin aniya ang katulad na tadhana sa mga kasunduang narating ng Tsina at Pilipinas.
Kailangan aniyang sumunod sa pangakong ito ang Pilipinas.