Mula noong ika-8 ng Marso hanggang ika-28 ng Abril, nagsagawa ang Beijing Municipal Commission of Health and Family Planning o BJHFP ng mga serbisyo gaya ng paggagamot, psychological intervention, medical check-up, at iba pa para sa 262 kamag-anakang Tsino ng mga biktima ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sa pagharap ng kahilingan hinggil sa reparasyon ng mga kamag-anakan, nagkaloob din ang working group ng serbisyo para sa nawawalang MH370 ng maraming tulong na pambatas, at ginawa ang 559 na person-time serbisyo lahat-lahat.
Nagkaloob din ang nasabing working group ng serbisyo ng pagbibigay-payo sa iba't ibang larangan. Gumawa ito ng 30 pakikipag-ugnayan sa Malaysia Airlines at tumulong sa panig Malaysian na idaos ang 41 pulong para sa mga kamag-anakan.
Salin: Andrea