Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang ginawa at sinabi kamakailan ng Pamahalaang Biyetnames ay nagpapakita na mababa ang kredibilidad ng bansa.
Winika ito ng tagapagsalitang Tsino bilang tugon sa pananalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam sa isang press briefing nitong nagdaang Biyernes. Ayon sa panig Biyetnames, mayroon itong di-umano'y "ebidensiyang historikal at hurisprudensyal" para sa kanilang pag-aangkin sa Xisha Islands.
Tinukoy ng tagapagsalitang Tsino na ang Tsina ay ang unang bansa na nakatuklas, gumalugad, nagpangalan at nangasiwa sa Xisha Islands. Ipinagdiinan na kinilala at iginalang ng Biyetnam ang soberanya ng Tsina sa Xisha Islands bago ang 1970s. Noong 1958, ipinatalastas ng Tsina na itinakda nito ang 12 nautical miles bilang lawak ng teritoriyong pandagat nito kung saan sinasaklaw ang Xisha Islands. Sampung araw pagkaraan ng patalastas ng Tsina, sinabi ni Punong Ministro Pham Van Dong ng Biyetnam kay Premyer Zhou Enlai ng Tsina na kinikilala ng kanyang bansa ang patalastas ng Tsina hinggil sa teritoryong pandagat nito.
Pero, sapul noong 1975, sinimulang talikuran ng Biyetnam ang mga pangako nito. Ipinakita nitong mababa ang kredibilidad ng Biyetnam, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.