Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang mainit na pagtanggap sa bagong pamahalaan ng Palestina na binuo batay sa pambansang napagkaisahan. Umaasa aniya siyang patuloy na kakatigan ng komunidad ng daigdig ang prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel.
Sa kanyang pahayag na ipinalabas kahapon, binigyang-diin niya na dapat buong sikap na isakatuparan ang pagkakaisa ng bansang Palestina batay sa itinakdang resolusyon ng UN, kasalukuyang balangkas ng Palestinian Authority at mga pangako ng Palestine Liberation Organization (PLO).
Salin: Ernest