Bilang tugon hinggil sa panggugulo ng Biyetnam sa paggagalugad ng Tsina ng langis at natural gas sa pamamagitan ng No. 981 Drilling Platform sa karagatan ng Xisha Islands, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kailangang bigyang-liwanag ang katotohanan sa komunidad ng daigdig, kaya, ipinalabas ng Ministring Panlabas ng Tsina kamakalawa ang artikulo hinggil dito.
Aniya, laging nagsisikap ang Tsina para maayos na hawakan ang hidwaan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng dalawang panig. Pero, mula noong ika-2 ng Mayo, patuloy na isinasagawa ng Biyetnam ang marahas na panggugulo sa panig Tsino. Laging nagtitimpi ang Tsina at nagsagawa ng mahigit 30 pakikipagkoordina sa iba't ibang antas ng panig Biyetnames. Hinihiling ng Tsina ang agarang pagtitigil sa panggugulo, pero, patuloy pa rin ang mga aksyon ng panig Biyetnames.
salin:wle