|
||||||||
|
||
Natapos na ng China Oilfield Services Limited (COSL) ang unang yugto ng paghuhukay at paggagalugad ng langis malapit sa Zhongjian Island ng Xisha Islands ng bansa.
Ipinatalastas ito ng COSL sa isang pahayag ngayong araw. Pumasok na ang kompanya sa pangalawang yugto ng eksplorasyon.
Ang operasyong ginawa ng COSL sa pamamagitan ng HYSY981 drilling platform ay sinimulan noong ika-2 ng Mayo at matatapos sa kalagitnaan ng Agosto.
17 nautical miles ang layo mula sa Zhongjian Island ng karagatang pinaggagalugaran ng COSL. Nasa loob ng teritoryong pandagat ito ng Tsina. Samantala, 130-150 nautical miles ang layo ng karagatan mula sa baybaying dagat ng Biyetnam.
Gayumpaman, sapul nang simulan ng COSL ang unang yugto ng operasyon noong ika-2 ng Mayo, nanggambala dito ang panig Biyetnames.
Ang COSL ay isang sangay ng China National Offshore Oil Corporation, pinakamalaking offshore oil at gas producer ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |