Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talastasang pangkalakalan ng Tsina't T. Korea, inaasahang matatapos sa katapusan ng 2014; talastasan sa teritoryong pandagat, sisimulan sa 2015

(GMT+08:00) 2014-07-04 09:38:52       CRI

SEOUL, Timog Korea—Nagdaos kahapon ng tatlong-oras na pag-uusap si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping Tsina at ang kanyang counterpart na Timog Koreano na si Park Geun-hye.

Sa magkasanib na preskon pagkatapos ng kanilang pag-uusap, kapuwa ipinahayag nina Xi at Park ang pag-asang matatapos sa katapusan ng taong ito ang talastasan ng dalawang bansa hinggil sa kasunduan sa malayang kalakalan. Anila, makakalikha ito ng mas magandang kondisyon para maisakatuparan ang target na umabot sa 300 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.

Ipinatalastas din ng dalawang pangulo na magsisimula ang Tsina at Timog Korea ng talastasan hinggil sa demarkasyon ng teritoryong pandagat. Sa kasalukuyan, overlapping ang exclusive economic zone (EEZ) ng dalawang bansa sa takdang reef.

Sinimulan kahapon ni Pangulong Xi ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Timog Korea. Noong 2013, dumalaw naman sa Tsina si Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>